^

PSN Palaro

Winning streak pakay ng Bolts at tropang Giga

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Winning streak pakay ng Bolts at tropang Giga
Lalabanan ng Bolts ang TNT Tropang Giga nga­yong alas-7:30 ng gabi ma­­karaan ang salpukan ng Phoenix Fuel Masters at Terrafirma Dyip sa alas-5 ng hapon sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup sa PhilSports Arena sa Pa­­sig City.
PBA Image

MANILA, Philippines — Muling sasalang sa ak­syon ang Meralco sa ika­lawang sunod na pagka­kataon matapos noong Linggo.

Lalabanan ng Bolts ang TNT Tropang Giga nga­yong alas-7:30 ng gabi ma­­karaan ang salpukan ng Phoenix Fuel Masters at Terrafirma Dyip sa alas-5 ng hapon sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup sa PhilSports Arena sa Pa­­sig City.

Tinapos ng Meralco ang dalawang dikit nilang kamalasan mula sa 88-83 paggupo sa guest team Eastern.

“This type of games we live for because it shows our character,” sabi ni coach Luigi Trillo sa ka­ni­lang panalo sa Hong Kong team. “Kapag natatalo ka ng two games, it’s easy to pinpoint, finger push. But I thought they were great.”

Sumasakay ang TNT sa isang two-game winning run matapos ang 0-2 pa­­nimula sa torneo.

Ang hulng dalawang bi­niktima ng mga bataan ni mentor Chot Reyes ay ang Magnolia, 103-100, at Blackwater, 109-93.

Magtatapat sina imports Akil Mitchell ng Bolts at import Rondae Hollis Jefferson ng Tropang Giga.

Sinabi ni Reyes na na­bigyan ng sapat na pana­hon ang two-time PBA Best Import winner na si Hollis-Jefferson sa Christmas break ng PBA simula noong Araw ng Pasko.

“If you noticed, he’s not 100 percent because he has a slight ankle sprain. Hopefully, this break helped him get better and recover,” wika ni Reyes kay RHJ.

Samantala, iiwasan ng Phoenix na ma­ging unang biktima ng Terrafirma.

May 1-5 baraha ang Fuel Masters, habang bitbit ng Dyip ang 0-7 marka.

“They’re gunning for their first win so I’m sure they’re very prepared also,” ani Phoenix coach Jamike Ja­rin sa Terrafirma.

“I’m sure they’re confident going in against us because we’re just one game ahead of them. Those are the things we need to look out for,” dagdag nito.

Parehong nakalasap ng pagkatalo ang Fuel Mas­ters at Dyip sa kanilang mga huling laban.

Yumukod ang Phoenix sa Converge, 105-116, ha­bang minalas ang Terra­firma naman sa Rain or Shine, 112-124.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with