^

Pang Movies

AiAi, maraming gustong gawin sa Bagong Taon!

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
AiAi, maraming gustong gawin sa Bagong Taon!
AiAi

Self-love and self-care ang wish ni AiAi delas Alas sa pagpasok ng 2025. 

Sa rami raw ng pagsubok na dumating sa kanya nung 2024, gusto niyang magsimula ulit at gawin ang maraming bagay na hindi niya nagawa noon.

“I love myself very much. Ang dami kong gustong gawin tulad nang sumayaw, mag-gym, magbasa ng libro. Gusto ko rin mag-travel ng mag-isa to Bangkok, Japan and Korea. At gusto ko maging super active sa showbiz ngayon. More trabaho and self-love,” sey ng Comedy Concert Queen sa isang interview.

Babalik sa US si AiAi sa Feb. 3 kaya gusto niyang maraming matapos na trabaho ngayong January. Kasama na rito ang isang movie na ipo-produce ni Chavit Singson.

“God is good and maraming mga blessings na dumating. Sabi nga ni Ninong Chavit kasama ako sa mga movie ng mga Korean artist. Excited ako kasi favorite ko mga K-pop at K-drama.”

Nagpahula raw si AiAi at magaganda raw ang mga mangyayari sa kanya ngayong 2025. Magbabalik daw siya sa concert scene at magkaroon ng movie para sa Metro Manila Film Festival 2025.

Sofronio, may homecoming concert

Ngayong January 2025 magaganap ang solo homecoming concert sa Cebu ng The Voice USA Season 26 grand champion na si Sofronio Vasquez.

In-announce ito ni Vasquez sa kanyang Facebook account. 

“PIT SENYOR!!! Kitakits mga silingan sa Sugbo Get your tickets now and reach to people posted in the poster below.”

Si Sofronio ang first Filipino and Asian na manalo sa The Voice. Bukod sa $100,000 cash prize, meron din siyang recording deal with Universal Music.

Michael Bolton, handa na ulit mag-tour

Good health ang dasal ng American singer-songwriter Michael Bolton after siyang ma-diagnose with brain tumor noong 2023. 

The Grammy-winning singer shared a photo of himself in a Santa hat on his Facebook page, kasama ang kanyang pamilya.

“May the New Year bring health, happiness, and countless moments to cherish. Here’s to fresh starts and beautiful moments in 2025!” caption pa niya.

December 2023 nung sumailalim ang singer sa isang surgery dahil sa brain tumor. After a year, bumabalik na raw ang lakas niya at ready na siyang mag-tour ulit

“It is always the har­dest thing for me to ever disappoint my fans. I am working hard to accele­rate my recovery and get back to performing soon,” sey ni Bolton na naka-schedule na sa July 5 ang tour with Bonnie Tyler sa East London.

 

AIAI DELAS ALAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with