^

PSN Palaro

PVL Grand Slam pinaghirapan ng Cool Smashers

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
PVL Grand Slam pinaghirapan ng Cool Smashers
Ang 2024 Grand Slam champion Creamline Cool Smashers.
PVL photo

MANILA, Philippines — Ang manalo sa isang komperensya sa Premier Volleyball League (PVL) ay pahirapan na, ano pa kung magreyna sa tatlong magkakasunod na torneo.

Ito ang nakamit ng Creamline sa pagiging kauna-unahang Grand Slam champions ng PVL.

Hindi rin ito naging ma­­dali para sa koponan ni head coach Sherwin Meneses dahil sa pagkakaroon ng injury nina key starters Alyssa Valdez at Tots Carlos at paglalaro ni Jema Galanza para sa Alas Pilipinas.

“Siyempre, sobrang saya namin na lalo na kami, ako. Hindi madali kunin tong Grand Slam pero nakuha namin,” ani Meneses sa pagkopo ng Cool Smashers sa korona ng 2024 All-Filipino Conference, Invitational Conference at Reinforced Conference kontra sa magkakaibang kalaban.

Sa kabuuan ay may 10 PVL titles na ang tropa ni Meneses.

Noong Mayo sa All-Filipino Conference Finals ay kinumpleto ng Creamline ang 2-0 title series sweep laban sa sister team Choco Mucho.

Kinilala si Galanza bilang Finals MVP, habang si Fil-Am Brooke Van Sickle ng Petro Gazz ang hinirang na conference MVP.

Hindi nakalaro sina Valdez, Carlos at Galanza para sa Cool Smashers sa sumunod na Reinforced Conference noong Set­yembre.

Ngunit nagawa pa rin nilang talunin si import Oly Okaro at ang Akari Chargers, 25-15, 25-23, 25-17, sa kanilang one-game title showdown.

Inasahan ng Creamline sina American import Erica Staunton at Bernadeth Pons para pabagsakin ang Akari na nagposte ng 10-0 record papunta sa finals.

“Sobrang pahirapan din talaga bawat game, pero sobrang trinabaho namin everyday sa training pa lang,” ani Pons. “Sobrang ginusto namin na makuha itong championship na ito.”

Samantala sa Invitational Conference Finals ay tinakasan ng Cool Sma­shers ang Cignal HD Spi­kers, 21-25, 25-17, 20-25, 26-24, 15-13, sa kanilang one-game title showdown noong Setyembre.

Humataw si Staunton ng 29 points at nag-ambag ng 27 markers si Pons para sa panalo ng Creamline.

“Dalawang conference na magkasunod, so kailangan din talaga ng tulong,” wika ng nagbalik na si Galanza na tumipa ng 11 points.

Hinirang si Michele Gu­mabao bilang conference MVP habang iginawad kay setter Kyle Negrito ang Finals MVP trophy.

Kinumpleto ng Cool Smashers ang five-game sweep sa torneo sa pag­daig sa defending champion Kurashiki Ablaze ng Japan, Est Cola ng Thailand, Farm Fresh at Cignal.

Matapos ang Christmas break ay magpapatuloy ang 2025 PVL All-Filipino Conference sa Enero 18.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with