Nagmamahal sa Janitor
Dear Dr. Love,
Ako po si Myrna, 22 anyos na nursing student.
Pinagtatawanan ako ng mga schoolmates ko dahil nakipagrelasyon ako sa janitor ng aming unibersidad na working student at kumukuha ng medical technology.
Alam naman ito ng mga parents ko at wala silang tutol. Hanga pa nga sila dahil nagsusumikap sa pag-asenso ang boyfriend ko.
May masugid akong manliligaw sa school na napakayabang at laging binubuli ang boyfriend ko.
Minsan ay nakita ko na nilalait lait niya ng pangit na salita ang boyfriend ko. Kaya tinatarayan ko siya.
Masama bang umibig sa taong tulad ng boyfriend ko?
Myrna
Dear Myrna,
Sa tingin ko ay mapalad ka sa pagkakaroon ng boyfriend na mataas ang pangarap sa buhay. Bakit iintindihin mo ang panlalait ng ibang tao?
Darating ang araw, ikaw ang huling haha-lakhak. I’m sure liligaya ka sa piling ng lalaking iyan.
Dr. Love
- Latest