^

Dr. Love

IIwan na ng nag-iisang anak

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ang nag-iisa kong anak ay bunga ng pag-iibigan namingni Paul, ang boyfriend ko noong araw na inayawan ng aking mga magulang. 

Kahit nabuntis ako ay minabuti ng aking mga magulang na paglayuin kami.  Sa sama ng loob ay nag-suicide si Paul. 

Twenty-two years na ang lumipas at mag-isa kong itinaguyod ang aming anak sa tulong ng aking mga magulang hanggang makatapos ng college.

Patay na rin ang aking mga magulang sa ngayon at sa akin iniwan ang kanilang negosyong jewelry shop, pati na ang aming tahanan.

Nagpaalam sa akin ang anak ko na mag-aasawa na. Ipinakilala niya sa akin ang kanyang girlfriend. 

Lihim kong kinausap ang aking anak. Ang sabi ko sa kanya, kung mag-aasawa siya, paano na ako? Siya lang ang nagsisilbing direksiyon ng buhay ko at dahil nag-iisa na ako sa buhay.

Sabi niya, hindi naman niya ako pababa-yaan. Kung gusto ko raw, tumira ako sa bahay na lilipatan nila. 

Naiyak ako sa kuwarto dahil mawawala na ang kaisa-isa kong anak, ang tanging nagpapaalala sa minamahal kong si Paul.

Sa ngayon ay 45 anyos na ako at nakatakda nang ikasal next year ang aking anak. 

Habang lumilipas ang mga araw ay lalo akong nakakaramdam ng pangamba dahil mawawala na siya sa piling ko.

Pagpayuhan mo po ako.

Matet

Dear Matet,

Naging ganyan din ang naging situwasyon mo nang tutulan ng iyong mga parents ang relasyon mo sa iyong boyfriend na si Paul, na humantong sa pagkitil niya sa sariling buhay. 

Pero nalampasan mo naman. 

Kaya ang payo ko ay isipin mo na lang na hindi ka nawalan, bagkus nadagdagan pa ng isa ang iyong anak sa katauhan ng magiging manugang mo.

Hilingin mo sa anak mo na huwag na lang silang bumukod kundi manatili sila sa piling mo, tutal nag-iisa mo siyang anak at sa sandaling pumanaw ka ay siya rin namang magmamay-ari ng iyong maiiwang bahay.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with