Pag-aaral o boyfriend

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Mimi, nasa se-cond year ng kursong medical technology. May boyfriend ako na hindi gusto ng aking ama. Sabi ng ama ko, hindi sa nakikialam siya sa love life ko pero ito’y para sa aking magandang future. Kamamatay lang ng mama ko at siya lang ang hindi tumututol sa boyfriend ko.

Gusto ng ama ko na mapangasawa ko ang anak ng kaibigan niya na mayaman. Sabi niya sa akin, kung hindi ko siya mapagbibigyan, hindi na niya tutustusan ang aking pag-aaral. Seryoso raw siya sa kanyang sinabi.

Bata pa raw sila ng kaibigan niyang matalik ay nagkaroon na sila ng kasunduan na ang mga anak nila ay ipakakasal.

Pangarap ko talaga na makatapos pero mahal ko ang boyfriend ko. Balak namin na magpakasal matapos ang aming pag-aaral.

Ano ang dapat kong gawin?

Mimi

Dear Mimi,

Ang pagpili ng mapapangasawa ay hindi dapat panghimasukan ng magulang lalo na kung nasa edad ka na. Future mo ang nakataya at ikaw lang ang puwedeng magdesisyon sa bagay na iyan.

Ikaw ngayon ang dapat mag-evaluate. Kung mahal mo ang boyfriend mo at sa tingin mo ay sa kanya ka liligaya, siya ang piliin mo, kahit pahintuin ka sa pag-aaral ng tatay mo. Ngunit kung mahalaga sa iyo na makatapos, Eh ‘di sumunod ka sa gusto ng ama mo.

Pero kung ako ikaw, susundin ko ang puso ko kahit magalit pa ang ama ko. Tutal, puwede namang gawan ng paraan na matapos mo ang pag-aaral nang ‘di umaasa sa kanya

Dr. Love

Show comments