Mahirap ang walang pera
Dear Dr. Love,
Ngayon ko napatunayan na totoo ang kasabihan na amsusubukan ang katapatan ng kaibigan kapag ikaw ay wala nang pera. Tawagin mo na lang akong Quintin, 27 anyos at binata pa.
Teenager ako nang maulila, hindi ako nakapag-aral. Nakaipon ako sa angangalakal ng basura na ginamit sa pagsisimula ng negosyong kariderya.
Lumago ito, nagkaroon ako ng ka-live in at dumami ang kailangan ko na pawang natulungan ko. Pero isang trahedya ang nangyari.
Nasunog ang aking karinderya at lahat ng naipundar ko. Iniwan ako ng lahat. Balik ako sa pagbabasura.
Sisikapin kong umangat muli ang buhay ko. Kaso, may hinanakit ako sa tadhana kung bakit sinapit ko ito.
Sana ay mabigyan mo ako ng payo.
Quintin
Dear Quintin,
Lahat ng pangyayari sa buhay ay may mabuting layunin. Huwag mong paghinanakitan ang Diyos. Siya ang nagpala sa iyo noon, pagpapalain ka niyang muli. Huwag mong panghinayangan ang naitulong mo noon sa mga kaibigan mo dahil Diyos ang magbabalik sa iyo ng pagpapala.
Dr. Love
- Latest