^

Dr. Love

Bakit ‘di ko siya mapatawad?

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magmula nang nagkasala sa akin si Lance at humingi ng tawad ay pinatawad ko siya sa salita. Pero sa puso ko, nakatanim pa rin ang matinding galit.

Twelve years na kaming kasal at may dalawang anak.

Nambabae siya at iniwanan kami for four years.

Lahat ng kinikita niya ay ibinuhos sa kanyang kalaguyo. Inabandona kami kaya sinikap kong itinaguyod ang aking dalawang anak sa pamamagitan ng pagtitinda ng kakanin.

Nakarma si Lance at iniwanan siya ng kanyang babae. Bumalik siya sa akin at nagmakaawa.

Pinatawad ko siya pero hanggang ngayon, ayaw mawala ng poot sa aking puso. Sa magkahiwalay na kuwarto kami natutulog.

Paano ko makakalimutan ang sakit na idinulot niya sa akin?

Hermenigilda

 

Dear Hermenigilda,

Ang pagpapatawad ay may lakip na paglimot. Tulad ng pagpapatawad ng Diyos sa atin.

Hindi nagtatala ng ating kasalanan ang Diyos kaya tayo ay parang hindi nagkasala.

Alang-alang man lang sa pananalig mo sa Diyos, kalimutan mo na ang lumipas at patawarin mo na ang iyong asawa nang totohanan.

Dr. Love

DR. LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with