Dalawang asawa sa isang bahay
Dear Dr. Love,
Good day po. Tawagin mo na lang akong Wendy, 26 anyos at may asawa.
Noong una, masaya kaming nagsasama. Pero nang lumipas ang limang taon na wala pa kaming anak, nagsimulang pumait ang aming relasyon.
Natuto siyang mambabae. Sabi niya, pasensya na raw ako at gusto lang niya na magkaanak, bagay na hindi ko maibibigay dahil naoperahan ako sa matres.
Pinalampas ko na lang ang pambababae niya, tiniis ko ang hirap sa kalooban.
Kaso, ipinasya niyang iuwi sa aming bahay ang babae niya. Pinalampas ko rin ito, kahit na napakasakit.
Sinikap ko pa na magkasundo kami ng babae niya. Sabi ng mga kaanak ko, hiwalayan ko na siya.
Tama ba ang ginagawa ko na manatili sa piling ng mister ko?
Wendy
Dear Wendy,
Mali ang ginagawa mong pagkunsinti sa lantarang pakikiapid niya lalo pa’t magkasama kayo ng babae sa isang bubungan.
Pero buhay mo iyan at kung ayaw mong makinig sa tamang payo, ikaw ang bahala. Puwede mo siyang ipagsakdal ng pakikiapid o concubinage dahil ang ginagawa niya ay labag sa batas.
Ang concubinage ay isang krimen na ta-nging ang inagrabiyadong asawa ang maaa-ring maghabla.
Hindi puwedeng gawing katuwiran na hindi mo siya mabigyan ng anak kaya siya nambabae.
Puwede ring dahilan iyan para makapag-file ka ng annulment upang mapawalang bisa ang inyong kasal.
Dr. Love
- Latest