Nabaon sa utang
Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang ninyo akong Hanna. Napansin ko na lalo kaming nahhirapan dahil sa kakautang namin ng puhunan. May maliit kaming tindahan, kaso kailangan naming mapuno ito ng items na pwede naming ibenta tulad ng mga delata, kape shampoo sitserya at iba. Kapag hindi namin nakukumpleto ang mga supplies namin, konti rin ang balik ng pera.
‘Yun nga. lang, kasama pa sa gastos ang pagkain, pambayad sa kuryente, tubig, upa sa bahay at pambaon ng mga anak namin. Simula nang huminto na mag-abroad si mister, naubos nang naubos ang aming pera. Kaya ngayon, nababaon kami sa utang. Naghahanap pa rin si mister ng trabaho pero kung hidi o vacancy, hindi siya qualifies sa trabaho.
Hanna
Dear Hanna,
May ilang mungkahi ako na baka makatulong sa inyo: Kung hindi kakayaning kumpletuhin lahat ng produkto sa tindahan, subukang alamin kung alin sa mga produkto ang mabilis na maubos at may mataas na demand. Maaaring unahin ninyo ang pagbili ng mga delatang pagkain, kape, at sitserya na karaniwang hinahanap ng mga suki. Ito’y makakatulong sa mabilisang balik ng puhunan.Pwede ring maghanap ng mga supplier na nag-aalok ng mga discounted o promo items. Maaari itong makatulong na mabawasan ang gastos sa pagbili ng paninda, pero magbigay pa rin ng sapat na kita.
Alamin kung saan pa kayo makakapagtipid sa inyong mga gastusin, tulad ng paggamit ng enerhiya (kuryente) sa tamang oras at panga-ngasiwa sa tubig para mabawasan ang bayarin. Habang naghahanap si mister ng trabaho, baka mayroong ibang paraan para kumita ng dagdag na pera, gaya ng online selling, sideline jobs, o pag-aalok ng ibang serbisyo sa komunidad.
Hindi madali ang pinagdadaanan ninyo, pero unti-unti ay maibabalik ang sigla ng inyong kabuhayan. Huwag mawalan ng pag-asa dahil may paraan para makabangon.
DR. LOVE
- Latest