^

Dr. Love

Crush ang bf ng kapatid

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May napakaguwapong boyfriend ang younger sister ko na type na type ko. 

Kasing edad ko ang boyfriend ng kapatid ko at feeling ko, mas bagay kami dahil matanda siya ng two years sa kapatid ko.

Sa palagay ko, may gusto rin siya sa akin dahil Ito’y nababasa ko sa kanyang mga mata kapag tinititigan ko siya. Medyo nagba-blush siya.

Minsan ay biniro ko ang sister ko na humanap na siya ng iba dahil mas magka-edad kami ng jowa niya. Parang sumimangot siya at ‘di nagustuhan ang biro ko.

Talagang crush ko ang boyfriend ng sister  ko at may secret wish ako na sana ay ligawan niya ako. 

Tama ba ang nadarama ko?

Ida

Dear Ida,

Maling mali. Pakinggan mo ang iyong sarili at kung hindi ka pa matauhan ay tuktukin mo ang iyong kokote, baka sakaling maisip mo na ang sarili mong kapatid ang aagawan mo ng boyfriend. Kaya ba iyan ng konsensya mo?

Sa palagay ko, nagbibigay ka ng pahiwatig na may intensiyong  akitin siya at kabilang dito ang pagtitig sa boyfriend ng kapatid mo.  

Natural na mag-blush siya at dahil sa reaksiyon niyang ito, hindi rin imposible na magawa mo ang pakay na pag-agaw sa atensiyon at puso niya. 

Pero ang kapalit niyan ay ang tiyak na malalim na hinanakit at sama ng loob sa pagitan ninyong magkapatid. 

Kalimutan mo ang iyong kalokohan at humanap ka ng manliligaw kung wala ka pang boyfriend.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with