^

Dr. Love

Ayaw pang mag-asawa

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bumabati po ako sa inyo ng mapagpalang araw. Ako pi si Elmie, 28 anyos na. Mayroon po akong boyfriend for 4 years.

Gusto na niyang magpakasal kami dahil siya ay 35 anyos na. Kahit mga parents ko ay ini-engganyo akong mag-asawa.

Pero enjoy ako sa aking online selling business na malaki ang kinikita. Target ko kasi na makapagtayo ng boutique at sa palagay ko’y malapit nang matupad ito.

Sabi ng boyfriend ko, hahanap na lang siya ng iba na papayag magpakasal.

Hirap akong mag-decide kung siya ang pipiliin ko o ang negosyo. Kasi full time ang kailangan sa business at ayaw ko pang magka-pamilya.

Help me.

Elmie

Dear Elmie,

Lumalakad ang panahon at mahirap din kung mag-aasawa ka na medyo late na.  Lahat naman ay kailangan ng family.

Isipin mo, puwede ka namang magpa-kasal at huwag munang magkaanak kung gusto mong mag-concentrate sa negosyo.

Ngunit mahirap din ang walang anak dahil hindi mabubuo ang pamilya.

Gusto ko lang ipaalala sa’yo na gawin mo ang pagpapakasal kung buo ang loob mo ba tanggapin ang pag-ibig ng boyfriend mo at nakahanda ka na maging kabiyak niya habang buhay.

Mahirap din kasi kung sasagot ka ng oo dahil sa udyok.

Ang huling desisyon ay nasa iyo.

Matured ka na para magdesisyon para sa iyong sarili.

Dr. Love

vuukle comment

ELMIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with