^

Dr. Love

Sakripisyo ng ina

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kay sakit ng nadarama ko ngayon dahil sa pag-aasawa ng kaisaisa kong anak na lalaki. Siya ay bunga ng aking kapusukan noong bata pa ako.

Nakipagrelasyon ako sa isang lalaki na iniwanan ako nang ako’y mabuntis. 

Naging single mother ako at mag-isang itinaguyod ang aking anak hanggang nakatapos ng computer engineering.  

Government employee lang ako at nagbebenta ng kung anu-ano makatapos lang ang anak ko. 

Naka-graduate siya pero mag-aasawa agad kahit tutol ako.

Ngayon ay magreretiro na ako sa gobyerno at iniisip ko kung ano ang magiging buhay ko. 

Naiisip ko ang posibilidad na maaaring hindi naman ako kakalingain ng anak ko.

Pagpayuhan mo po ako.

Luming 

Dear Luming,

Dakila kang ina pero may mapapait na katotohanan sa buhay.  

Sana naman ay hindi ingrato ang anak mo. 

Na kapag nakita ka niya sa ka-lagayan na wala nang income,  kusa siyang tutulong sa iyo. 

Dapat ka niyang itinaguyod dahil ikaw ay kanyang ina. Sana alalahanin ng iyong anak na hindi niya mararating ang kalagayan niya kundi dahil sa iyo.

Gayunman, kung hindi mangyari ito, tiyak ko na may retirement benefit ka mula sa GSIS.

Gawin mong puhunan ang makukuha mo rito upang maitaguyod ang iyong sarili. 

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with