^

Dr. Love

Karibal ang ama

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sana ay maging mapalad ako na mailathala sa kolum mo ang aking kasaysayan. Tawagin mo na lang akong Raymond, 24 anyos.

May nililigawan ako ngayon at tawagin mo na lang siyang Menchu, nag-aaral pa sa kolehiyo.

Matagal ko na siyang nililigawan at ang lagi niyang sinasabi sa akin, hindi niya deserve ang love ko. Cheap raw siyang babae.

Sa kapipilit, ipinagtapat niya sa akin na nakapag-aaral lang siya dahil may matandang lalaking nagsusustento sa kanya- isang sugar daddy.

Sa kapipilit ko ay nagtapat siya. Noon pa ay napansin niyang magkatulad ang apelyido ko at ng sugar daddy niya.

Nag-research siya at nalaman na ito ay ama ko.

Humingi siya ng sorry sa akin at sinabing gipit lang siya kaya pumatol siya sa tatay ko.

Ano dapat kong gawin?

Raymond

 

Dear Raymond,

Bagamat mali ang ginagawa ng ama mo na kasintahan niya, dapat mo nang kalimutan ang babaeng nililigawan mo.

Mas mahalaga sa kanya ang ambisyon kaysa katuwiran at sa ganang akin, hindi magandang katangian ng isang babae ‘yan at dapat tuluyan.

Kalimutan mo na siya at humanap ng iba.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with