^

Dr. Love

Isinanla ang wedding ring

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pinag-aawayan naming mag-asawa ngayon ang pagsanla ko ng aming wedding ring sa halagang Php 50 libo.

Sabi niya, hindi ko na pinahalagahan ang sagisag ng aming matibay na pagsasama. Tawagin mo na lang akong Rina, 40 anyos.

Naremata na kasi ito dahil hindi ko na nabayaran sa pinagsanlaan ko.

Pero siya rin ang dahilan kung bakit naisanla ko ang singsing. Sumailalim siya sa operasyon na nagkakahalaga ng Php 100 libo.

Nakalapit na kami sa mga government institution ngunit umabot lang sa Php50 libo ang naabot kaya kailangan kong isanla ang singsing.

Sabi niya, kung ipinaalam ko agad ito sa kanya ay hindi siya papayag dahil puwede namang gumawa ng ibang paraan. Hanggang ngayon ay galit siya.

Ano ang gagawin ko?

Rina

Dear Rina,

Dapat alalahahin ng mister mo na mas mahalaga ang buhay kaysa materyal na bagay.

Siguro, dapat siya ang lumiham sa akin upang humingi ng payo.

Sabihin mo na ginawa mo lang ang pagsasanla sahil mahal mo siya at ayaw mo siyang mawala sa buhay mo.

Sana, huwag nang magtagal at matauhan ang asawa mo at matanto na ang ginawa mo ay para rin sa kanya.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with