^

Dr. Love

Nang mawala si Nanay

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Totoo ang kawikaan na hindi mo malalaman ang halaga ng isang bagay hangga’t ito’y hindi nawawala sa iyo. Kinasuklaman ko ang ina ko dahil anak niya ako sa pagkakasala.

Tawagin mo na lang akong Star, 25 anyos at isang taon nang natigil sa pag-aaral dahil namatay ang nanay ko na tanging nagtaguyod sa akin.

Naglalako lamang siya ng mga kakanin at kapag araw ng Sabado at Linggo, imbes na magpahinga ay tumatanggap ng labada para lamang papag-aralin ako.

Hindi ko in-appreciate ang sakripisyo niya at ang nakikita ko lang ay ang kalandian niya sa lalaki kung kaya isinilang ako sa mundo.

Hanggang isang araw, sa paglalako niya ng meryenda, nasagasaan siya ng humaharurot na motorbike.

Hit and run at hindi na nakilala ang nakapatay sa kanya.

Natigil ako sa pag-aaral. Second year na sana ako sa kursong computer science.

Napilitan akong magtrabaho para mabuhay pero sinusumbatan ako ng aking budhi.

Malaki ang kasalanan ko sa nanay ko at ako’y nagsisisi.

Ano ang gagawin ko?

Star

Dear Star,

Lahat tayo ay nagkakamali. Hindi ka man nakahingi ng tawad sa iyong ina, batid kong napatawad ka na niya.

Ang sakripisyong ginawa niya para sa iyo ay patunay ng laki ng pagmamahal niya sa iyo kaya tiyak na wala kang magagawang sala na hindi niya kayang patawarin.

Kung kaya mong gawin, mag-working student ka.

Sikapin mong ituloy ang naudlot mong pag-aaral para matupad ang pangarap ng nanay mo para sa iyo.

Sa gayon, saan man siya ngayon ay mabibigyan mo siya ng kaligayahan.

Dr. Love

STAR

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with