^

Dr. Love

Hinagpis ni lolo

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Ireneo (huwag nang sabihin ang apelyido) 67 anyos at limang taon nang biyudo. Sa kabila ng edad ko, matikas at macho ang katawan ko dahil dati akong gym instructor.

May bagong pamilya na lumipat malapit sa bahay ko. Minsang nagdidilig ako ng halaman sa garden, binati ako ng magandang dalaga na sa tingin ko ay anak ng mga bagong lipat.

Madalas kaming nag-uusap mula noon tuwing wala siyang pasok sa eskuwela. Madalas niyang purihin ang matikas kong katawan. Sabi pa niya, sana makakita siya ng manliligaw na macho’ng tulad ko.

Ito ang nagbigay ng lakas ng aking loob na ligawan siya. Pormal akong nagpunta sa bahay nila na nakabihis nang disente at may dalang bulaklak.

Sukat ba namang pagbukas ng kanilang pintuan ay malutong na tawa ang narinig ko sa kanya. Masakit ang sinabi niya. Kung balak ko raw manligaw sa kanya ay forget it.

Hindi raw siya papatol sa lalaking puwede nang maging tatay ng tatay niya. Hindi raw komo pinupuri niya ang tikas ko ay may gusto na siya sa akin.

Napahiya akong umalis pero matinding galit ang naramdaman ko.

Gusto kong limutin ang insidente pero kahit isang taon na ang lumipas ay nakatanim pa sa isip ko. Ano ang gagawin ko?

Ireneo

 

Dear Ireneo,

Masyadong stressful para sa edad mo na isipin pa ang ganyang bagay. Pilitin mo na itong iwaksi sa kukote mo at kung puwede, iwasan mo nang makita ang dalagang iyan.

Charge to experience, wika nga. Sa ikabubuti mo rin kung mabubura sa iyong isip ang insidenteng iyan. Dahil kung lagi mong iisipin, baka mapabilis ang pag-goodbye mo sa mundo.

At kung balak mo pang magka-girlfriend, huwag naman ‘yung puwede mo nang maging apo.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with