Naniwala sa prank ang gf
Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang ninyo akong Tony.
Ang akala ko, ok lang na i-prank ang gf ko . Sinabi ko na nakabuntis ako at nagpapaalam na ako sa kanya.
Sa sobrang galing kong umarte ay naniwala siyang totoo ang sinasabi ko.
Ginawa ko lang naman ‘yun dahil may napanood akong video sa fb, tapos ginaya ko.
Hayun noong una, tinawagan ko siya na may sasabihin ako. Sabi pa nga niya, huwag ko raw siyang ipa-prank. Sabi ko naman hindi ako nagbibiro.
Sinimulan ko ang kwento na kunwari may nakainuman kaming ka-ropa at nalasing kami, hayun nakalimot ako.
Nang mangyari ‘yun, hinahanap ako ng babae at nagsabi na buntis siya. Kitang kita ko ang reaksyon niya, nagalit siya at umiyak.
Naniwala siyang totoo ang lahat. Heto ako ngayon, problema ko kung paano sasabihin sa kanya na biro lang ang lahat.
Tony
Dear Tony,
Una, huwag mo nang uulitin ‘yun. Importante na manatiling tapat at maayos ang iyong pakikitungo sa iyong gf.
Ang malinaw na komunikasyon at ebidensya ay makakatulong upang linawin ang anumang hindi pagkakaintindihan.
Kung kailangan mong ipaliwanag na hindi ka totoong nakabuntis, maaa-ring magandang mag-focus sa mga detalye at ebidensya na sumusuporta sa iyong pahayag.
Siguraduhin na maayos at tapat mong maipapaliwanag ang iyong sitwasyon. Sabihin mo nang direkta na wala kang kinalaman sa pagbubuntis, at ibigay ang mga dahilan kung bakit mo nasabi ito.
Kung ang isyu ay personal o sensitibo, maaaring mas ma-buting pag-usapan ito ng pribado kasama ang mga taong inovolve.
Kung kinakaila-ngan, humingi ng tulong sa mga taong maaaring makatulong sa iyo, tulad ng mga kaibigan, pamilya, o propesyonal na ta-gapayo, gawin mo. Matuto ka na sana sa ginawa mo kung sakaling ayaw na niyang makinig sa iyo.
DR. LOVE
- Latest