^

Dr. Love

Umibig sa larawan

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko maunawaan ang aking sarili. Ako si Brenda, 24 anyos at may asawa. Minsang nagbakasyon ako sa aking mga tiyo sa Ilocos Sur, naisipan kong kalkalin ang mga lumang photo album na nasa ilalim ng antigong lamesa.

Ang bahay ng aking tiyo ay isang bahay na bato’ng naitayo noon pang 1897.

Sa pagtunghay ko sa mga lumang larawan, isang lumang retrato na may mga bahaging kupas na ang nakaagaw ng aking pansin.

Sabi ng tiyo ko, best friend daw siya ng lolo ng kanyang ama na parehong bahagi ng rebolusyon na pinangunahan ni Andres Bonifacio.

Makisig siya at mula noon ay lagi kong napapanaginipan.

Ayaw kong sabihin ito sa asawa ko dahil seloso siya kahit pa sabihing malaon nang patay ang lalaking ‘yun.

Hanggang ngayon, walang gabing ‘di ko siya napapanaginipan.

Ano ang gagawin ko?

Brenda 

Dear Brenda,

Lilipas din iyang mga panaginip mong iyan.

Basta kung magbabakasyon ka uli, huwag mo na lang tingnan uli ang lumang larawan.

Hinangaan mo lang siya dahil makisig at matikas.

Pero kahit buhay pa ngayon iyan ay napakatanda na niya at ‘di na bagay sa iyo.

Tutal hindi na naman buhay ang taong iyan na bahagi na lamang ng kasaysayan, wala na ring dapat ipagselos ang mister mo.

Dr. Love

BRENDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with