^

Dr. Love

Itutuloy pa ba ang kasal?

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Remy at kasalukuyan akong nag-iisip kung itutuloy ko pa ang pagpapakasal sa boyfriend kong si Morgan.

Anak mayaman si Morgan at tutol sa akin ang mga parents niya dahil ordinaryo lang ang pamilya ko at walang maipagmamalaking kayamanan.

Ipinaglaban ako ni Morgan at napapayag niya ang mga magulang niya kung pipirma ako sa isang pre-nuptial agreement na wala akong magiging parte o karapatan sa mga ari-arian at pera ni Morgan.

Nainsulto ako nang sabihin ito sa akin ni Morgan. Para kasing kayamanan niya ang pinag-iinteresan ko kaya gusto ko siyang maging asawa.

Pakakasalan ko pa ba siya?

Remy

 

Dear Remy,

Ako man ang nasa katayuan mo ay masasaktan din sa ipinataw na kondisyon ng mga magulang ni Morgan. Pero maramin ang ganyang kaso sa mga mayamang angkan.

Ngunit kung pakakasal ka pa o hindi na ay isang desisyon na ikaw lamang ang puwedeng magpasya. Hindi ko kasi masukat ang intensity ng iyong pagmamahal sa iyong boyfriend.

Minsan kasi, kapag mahal na mahal mo ang isang tao ay lulunukin mo ang iyong amor propio o pride.

Kung mas malakas ang hikayat ng iyong pride, edi kanselahin mo ang engagement.

Ngunit kung matimbang ang tawag ng pag-ibig, tuloy ang kasal!

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with