^

Dr. Love

Bakit nga ba nagkaganon?

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Pamela. Gusto ko lang po ipara-ting sa taong minahal ko ang nararamdaman ko ngayon.  

Naalala ko ang unang pagkikita namin, nakaramdam ako ng instant connection. Alam ko noon pa man na isa siyang espesyal na tao. At habang mas nakikilala namin ang isa’t isa, mas lalo nahulog ang loob ko sa kanya. 

Pero nabulag yata ako sa sarili kong nararamdaman. Hindi ko namalayan na hindi pala pareho ang damdamin namin. Umaalingawngaw pa rin sa isip ko ang mga salita na, “I’m sorry, I just don’t feel the same way.” 

I know I should be strong and move on, pero mahirap. Ikaw ang lahat sa akin, at ngayon wala ka na, pakiramdam ko may parte sa akin na nawawala.

Gusto ko po itanong sa kanya kung bakit…dahil ba hindi ako naging sapat para sa kanya? Dahil ba hindi ako perpekto? Gusto kong intindihin, pero may mga bagay na ayaw niyang aminin sa akin.

Gusto ko sanang mag-usap kami. Kahit pa nakikinita ko na hindi nakatadhana ang pag-ibig na ‘yun para sa akin. At kahit masakit, kailangan kong tanggapin.

Sana balang araw makahanap siya ng taong magpapasaya sa kanya. At baka balang araw, makahanap din ako ng taong magmamahal sa akin kung ano ako.

Paalam, nawa’y hindi na muling magkrus ang ating landas.

Pamela

Dear Pamela, 

Salamat sa pagbahagi mo ng iyong kalooban. Okay lang na malungkot ka ngayon.  Tandaan mo lang na hindi ka nag-iisa. Maraming tao ang dumaan sa pinagdadaanan mo ngayon. Naniniwala ako na malalampasan mo rin ang yugtong iyan ng iyong buhay. Kaya huwag mong aksayahin ang iyong oras sa pag-iisip kung ano ang na-ging mali o kung ano ang maaari mong gawin. Sa halip, ituon mo ang pagsulong at pag-aalaga sa iyong sarili.

Subukan mong huwag tukuyin ang iyong halaga bilang isang tao batay sa desisyon ng ibang tao. Mas mahalaga ka kaysa sa isang naunsyaming relasyon.

Dapat lang na matututo ka mula sa karanasan mo at gamitin ito para lumago ang iyong pagkatao.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with