^

Dr. Love

Naghahabol na

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Natalie. Twenty nine years old. Feeling ko kasi mapag-iiwanan na ako kaya lahat na yata ng dating apps sa social media eh may account ako.

May mga na mi-meet ako kaso namimili pa rin ako ng makakasundo ko talaga.  Una, wala akong trabaho hindi tulad ng iba na perma-nente sa trabaho at maganda na ang sweldo.

‘Yan din ang iniisip ko kasi baka akalain ng ibang lalaki pera lang ang hanap ko sa kanila. Gusto ko lang ang may kasama sa buhay at magkaroon ng sariling pamilya.

Sa ngayon, patuloy pa rin akong nagha-hanap. Baka kasi abutin ko na lumagpas na sa kalendaryo eh lalong hindi na ako makapag-asawa.

Ayoko kasing tumanda tulad ng tiyahin ko. Walang nag-alaga sa kanya dahil wala naman siyang asawa’t anak.

Naaawa nga ako sa kanya hanggang sa nagkasakit siya at malungkot na pumanaw sa mundong ito na walang nag-aruga sa kanya. Nagtitinda lang siya ng mga kakanin hanggang ‘yun nga, naospital at natigok.

Naku po, ayokong mangyari sa akin ‘yun. May mga kapatid naman ako at malakas ang mga magulang ko.

Kaya naghahabol ako at nananawagan.

Natalie

Dear Natalie,

Hayaan mo, ipagdarasal kita. Hindi biro ‘yun ha. Walang imposible sa Diyos. Marami na ang magpapatunay nyan.

Kung hindi ka naman mabiyayaan ng bf o ka-partner sa buhay, tanggapin mo ng maluwag. Baka iba ang plano sa iyo ni Lord.

Mas mainam naman talaga ang may kasama sa buhay. Lalo na ‘yung may mga anak kang kakalinga sa iyo. ‘Yun lang… kung mabait ang magiging anak mo.

Huwag kang mai-insecure kung single ka pa rin. Marami kayo! Hindi ka nag-iisa.  Tuloy lang ang pagse-search mo. 

Lakasan mo ang loob mo. Pero ingat rin sa mga nakikilala mo.

May mga kaibigan ako, sa dating apps sila nagkakilala ng partner niya at kasal pa sila sa simbahan.

DR. LOVE


 

 

 

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with