^

Dr. Love

Iresponsableng Mister

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Masyado na akong iritable sa mister kong tamad at iresponsable. Tawagin n’yo na lang akong Myrla, 30 anyos.

Ako lang ang kumakayod sa aking pamilya, samantalang ang asawa ko ang naiiwan sa bahay.

Okay lang sana sa akin kung nagkabaligtad ang aming papel.

Sana ‘yun man lang, ako ang nagtatrabaho at siya ang nag-aasikaso sa gawaing bahay pati na sa pag-aaruga sa aming anak na pitong taong gulang. Pero hindi ganoon.

Lagi siyang kasama ng kanyang barkada at madalas naglalasing.

Binili ko siya ng tricycle para maghanapbuhay pero isinanla niya.

Minsan, nadapa ang aming anak at pumutok ang ulo. Kung hindi pa sa kapitbahay namin ay hindi siya nadala sa ospital.

Nang sitahin ko ang mister ko, siya pa ang nagalit at dalawang araw na hindi umuwi. Gusto ko na siyang hiwalayan.

Ano ang gagawin ko?

Myrla

 

Dear Myrla,

Ayaw kong sisihin ka pero baka pinamihasa mo siya sa ganoong kalakaran. Kung baga sa baby, inispoiled mo.

Ang sarap ng buhay niya. Ikaw ang nagtatrabaho at siya ay buhay hari!

Kapag tumigas na ang sungay ay mahirap nang mabali.

Subukan mo ring kausapin siya para magbago. Ipaunawa mo sa kanya ang kahalagahan ng pagiging padre de pamilya.

Kung hindi pa siya magbabago, doon mo na ikonsidera ang pagpapawalang bisa ng inyong kasal.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with