^

Dr. Love

Hinagpis ng Cum laude

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Fredie. Nagtapos ako ng kursong political science bilang cum laude. Sa college ay may girlfriend ako na ngayo’y napangasawa ng classmate ko. Noon ay kilalang slow learner at maraming subjects na ibinagsak ang kaklase kong ito kaya hindi na nagpatuloy.

Nagtataka ako dahil mas asensado pa ang buhay niya kaysa sa akin, nakapagpundar siya ng negosyo, tindahan ng bisikleta.

Ako na isang cum laude ay karaniwang superbisor lang sa isang kompanya na hindi kalakihan ang sahod. Iyan marahil ang dahilan kung bakit naagaw ng classmate ko ang aking girlfriend na noon pa man ay matayog na ang pangarap na yumaman.

Hindi ko matanggap na matalo ako ng isang dating mahina sa klase, kaya hanggang ngayo’y aburido ang isip ko. Please help me.

Fredie

Dear Fredie,

Maraming tao ang tulad mo na scholastic achievers pero sa buhay ay kulang sa diskarte kaya hindi yumayaman. Pero meron ding kahit hindi nakatapos ay umaa-senso financially dahil magaling sa negosyo. Pero kanya-kanya ng talino ang tao.

Hindi ka pinagkaitan ng talino ng Diyos kaya may maganda ka pa ring hanapbuhay bagamat katamtaman ang kinikita.

Ang naging kasintahan mo, prayoridad ang pagyaman at hindi ang pag-ibig. Ituring mong blessing in disguise ang paghihiwalay ninyo. Move on and chart your own future.

Dr. Love

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

LAUDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with