^

Dr. Love

Nabuntis ng boyfriend

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mapusok ang boyfriend ko at dahil mahal ko siya, ibinibigay ko ang lahat ng gusto niya, pati ang aking pagkababae.

Ang akala ko po kasi, handa niyang panagutan sakaling magbunga ang kanyang pagiging mapusok.

Nang mabuntis ako at ipagtapat ko ang tungkol dito sa kanya, mabilis niyang sinabi na hindi pa raw siya handa. 

Sabi pa niya, may kilala siyang doktor na abortionist. At kahit hindi niya direktang sinabi, gusto niyang ipalaglag ko ang sanggol sa aking sinapupunan.

Hindi ako pumayag sa gusto niya kaya nakipag-break siya sa akin.

Nasaktan ako sa ginawa niya pero handa kong harapin ang bunga ng kasalanan ko. 

Ang problema lang ay hindi pa ito alam ng mga magulang ko. Pagpayuhan po ninyo ako, ano ang gagawin ko?

Miles

Dear Miles,

Mali man ang ginawa mong pagpapaubaya sa iyong pagkababae, hinahangaan kita sa paninindigan mong huwag ipalag-lag ang sanggol sa iyong sinapupunan.

Sa batas ng tao at Diyos, kasalanan iyan. Walang kasalanan ang magiging anak mo sa kapusukan ninyo ng iyong boyfriend. 

Ang payo ko ay magtapat ka sa parents mo. Magagalit sila na normal lamang dahil may expectations sila sa’yo. Pero ang galit na ‘yun ay pansamantala lang. Dahil natitiyak ko na sa kalaunan ay  mauunawaan ka nila. 

Sa yugto ng iyong pagdadalantao, walang ibang makatutugon sa tulong na kakailanganin mo kundi ang iyong pamil-ya. Ang mga magulang mo ang daramay sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with