^

Dr. Love

Mapamahiin

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang professional ang girlfriend ko na nagtapos ng accountancy pero naniniwala sa pamahiin.

Kapag natapat sa Friday 13 ang date namin ay pino-postpone niya. Palibhasa ay sa isang liblib na baryo siya isinilang at lumaki. Kapag hindi niya kursunada ang kulay ng suot ko, sasabihin niyang malas at pagpapalitin ako ng damit.

Masyado pa siyang domineering at hindi ko masalansan ang gusto niya.

Ako ay Kristiyano at binabahaginan ko siya ng Word of God. Ngunit kapag sasawayin ko siya sa mga pamahiin niya ay nagagalit siya sa akin. Wala naman daw masama kung umiiwas sa mga dapat iwasan.

Gusto ko na siyang hiwalayan sa tigas ng ulo niya. Tama ba ang gagawin ko?

Raven

Dear Raven,

Pagtiyagaan mo siyang awatin sa mali niyang paniniwala na dulot na rin ng kulturang Pilipino.

Sa kasi-share mo ng Salita ng Diyos at pagpapakita ng magandang halimbawa sa buhay mo, mahihikayat mo rin siyang itama ang paniniwala niya.

Kung sa kabila ng gagawin mo ay mananatili ang kanyang pagiging superstitious, dun mo na lang siya kalasan kung ibig mo.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with