^

Dr. Love

Maninindigan o susuko na?

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Mark Manuel. Isa akong grab driver.  Sinabihan ko na ang gf ko na hindi kami bagay sa isa’t isa. Mayaman siya at mahirap ako. Tanggap naman niya ang kalagayan ko pero ako ang hindi makatanggap sa aming sitwasyon.

Hindi rin dahil nahihirapan ako na mangu-ngutang pa para sa date namin, para hindi ako aasa at masasabihan na ginagastusan lang ako ng gf ko.

Mabait ang tatay niya pero ang mama niya ay panay ang pasaring sa akin.

Hindi pa kami nagsasama ay marami na siyang nasasabi. Paano kung magkatuluyan kami? Paano kung ayain ko siyang mag-asawa. Lalong marami akong maririnig na hindi maganda sa kanila.

Mas mainam na hiwalayan ko na siya ngayon kaysa ipagsiksikan ko ang aking sarili sa kanila. Mahal ko ang gf ko pero nahihirapan akong makisama sa mother niya.

Mark Manuel

Dear Mark Manuel,

Maganda naman ang kita ng grab driver, iho. Mainam na mag-ipon muna kayo ng gf mo. Huwag na ninyong ipaalam sa kanila na may ipon ka na. Distansiya ka lang muna.

Ganoon talaga, minsan kailangan na dumaan tayo sa pagsubok para mapatunayan ang tunay na pagmamahal. Kung nasa wastong edad na kayo, tuloy lang. Basta huwag lang mawawala ang respeto mo sa kanyang magulang.

Pero ikaw pa rin ang makapagpasya kung handa ka pa ring manindigan sa inyong pagmamahalan o susuko ka na lang ng basta.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with