^

Dr. Love

Nagseselos si Mister

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Ning.  Ako na nga ang gumagastos at gagawa ng paraan para sa pamilya namin ako pa itong pinagseselosan. Gusto ko na nga sana tumigil na sa paghahanapbuhay dahil ang alam ko hindi tungkulin ng babae ang maging provider ng pamilya. Lagi na lang akong pinag-iisipan ng masama ng mister ko.

Alam ko naman na hirap din siya sa pagpapaaral sa dalawa naming anak.  Kapag napapagsabihan ko siya parang nakukunsensiya rin ako.

Nakiusap na nga ang biyenan ko sa akin na pagbigyan ko na lang daw ang mister ko. Alam ko naman daw na nagse-self pity lang siya dahil wala siyang trabaho.

Tanggap ko naman ‘yun. Wala siyang trabaho dahil hindi siya matanggap tanggap kahit saan na nga siya nag-a-apply. Hindi naman siya marunong mag-drive, sana kahit grab driver o delivery pwede na. ‘Yun lang ma-pride pa rin ang mister ko.

May pagkakataon na nawawalan na ako ng gana sa kanya. Dahil sinisikap kong magkaroon kami ng mapagkukunan para sa aming gastusin, siya namang selos niya na wala sa katuwiran.

Nauunawaan ko naman ang kalagayan niya, pero bakit hindi niya mabigyan ng pang-unawa ang parteng ginagampanan ko para sa pamilya. ‘Yung oras niya sa kakaisip ng baluktot ay gamitin niya na lang para makatulong kahit sa gawaing bahay. May mga gamit kami na kailangan linisan o kumpunihin, malaking bagay na po ang mga ‘yun kung tutuusin, lalo na kung hahalinhan niya ako sa pag-aasikaso sa aming mga anak. Kaya lang, wala eh.

Pagpayuhan po ninyo ako, sa pakiwari ko ay nawawalan na ako ng amor sa aking asawa.

Ning

Dear Ning,

Sa panahon ngayon, kailangan talaga ang pagtutulungan ng mag-asawa. Hindi lang ito sa aspetong pinansiyal, kundi maging sa lahat ng bagay para sa pangangailangan ng pamilya.

Tama ka naman na tungkulin ng lalaki ang maging provider sa pamilya. Pero ikaw na nga ang nagsabi na marami na rin siyang inaplayan na trabaho, pero wala pa rin.

Ang mabuti mong gawin ay i-encourage ang iyong asawa at suportahan. Sa palagay ko, dulot ng kanyang pagse-self pity kung kaya siya nagseselos. Kaya pakinggan mo ang bi-yenan mo kung paano mo mas matutulungan ang iyong asawa.

Kapag nakikita ng asawa mo na matatag ka at sinusuportahan mo siya kahit nagseselos siya at nagagalit mare-realize niya na nauunawaan mo siya sa kabiguan niyang makahanap ng mapapasukang trabaho.

Lagi mong ipagdasal ang iyong asawa para kahit panghinaan siya ng loob ay hindi siya mawawalan ng pag-asa na magkakaroon din siya ng trabaho at maibabalik niya ang kanyang kumpiyansa sa inyong relasyon at sa kanyang pagiging padre de pamilya.

Kasama mo ako sa panalangin.

DR. LOVE

NING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with