^

Dr. Love

Dahil puro tato ang bf

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bilang sumbungan ka ng mga in love, gusto ko rin po magpa-advice. Inaayawan ng papa ko ang bf ko dahil sa mga tato niya. Gusto kasi ni papa, disente at marangal na lalaki. Kahit na ipinaliwanag ko na nang todo na hindi warfreak ang bf ko, gaya ng akala niya…tutol pa rin siya.

Isang model ang bf ko at mahilig lang talaga siya magpatato. Wala siyang barkada at walang bisyo. May marangal na trabaho dahil online english teacher siya sa mga international students at malaki ang kanyang kinikita.

Sabi ni papa, pang matagalang relationship ang hanapin ko. Ang hindi niya alam,  graduate ng cum laude ang bf ko sa UP. Maganda ang records niya. Ang pagmo-model ay talagang nakahiligan na niya habang siya ay nag-aaral. Doon siya kumukuha ng pangtustos niya sa araw-araw na pangangailangan.

Medyo nakakainis lang kasi nagbanta pa si papa na hindi niya ako ihahatid sa kasal ko kapag hindi ko nilubayan ang bf ko. Grabe naman! Nang dahil sa tato?!

Dr. Love, mahal ko ang bf ko. Ang gusto ko lang ay maging masaya kami at maging masaya rin ang parents ko para sa amin. Eh, paano mangyayari ‘yun kung puro tato ng bf ko ang nakikita ni papa?

Tanya

Dear Tanya,

Kung sa tingin mo nakapokus ang papa mo sa mga tato ng bf mo, bakit hindi ka gumawa ng way para makita niya ang buong personalidad niya. Pwede siguro isama mo ang bf mo kapag may family outing kayo, para may chance na makasa-lamuha siya ng pamilya mo, lalo na ng papa mo.

Basta hinay-hinay lang, huwag kayong magmadali. I-enjoy ninyo kung ano ang meron kayo. Pero habang hindi pa ok sa papa mo ang bf mo, medyo lay low muna kayo bilang respeto sa kanya. Hindi rin naman masama ang intensiyon ng papa, gusto niya lang siguruhin na nasa mabuti kang kamay. Ipaintindi mo rin ‘yan sa bf mo para parehong maliwanag sa inyo ang estado ng relasyon ninyo sa pamilya mo.

DR. LOVE

vuukle comment

WARFREAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with