Diborsyado
Dear Dr. Love,
Isang Filipino-American ang boyfriend ko na taga Massachusetts pero siya ay diborsyado sa unang asawa at may anak na may asawa na.
Nagkakilala kami ni James sa Face book at minsan na siyang umuwi ng Pilipinas.
Nakilala na rin niya ang mga magulang ko na sa tingin ko’y matabang ang pagtanggap sa kanya dahil siya ay nakipagdiborsyo sa unang asawa.
May ambisyon akong mag-migrate sa US at maging US citizen kaya tinanggap ko si James.
Pero kalaunan ay na-in love ako sa kanya dahil guwapo at maginoo. Sa edad niyang 50 matikas pa rin at mukhang 30 anyos lang, habang ako ay 21 anyos. Bagay pa rin kami kung titingnan.
Ayaw ng parents ko sa kanya dahil ang mga magulang ko ay debotong Katoliko. Kasalanan daw na magpakasal ako sa diborsyado. Pero siya lang ang tanging daan upang mapabilis ang pag-migrate ko sa US.
Alam kong magi-ging maayos ang buhay ko sa Amerika. Ano ang gagawin ko?
Arlene
Dear Arlene,
Hindi ako naniniwala sa marriage for convenience kahit marami ang gumagawa nito sa mga kababayan natin na gustong manirahan sa US. Sagrado ang kasal at hindi dapat gawing instrumento sa pag-abot ng pa-ngarap.
Pero nasa sa iyo iyan at matanda ka na para gumawa ng sarili mong desisyon. Kung totoong mahal mo si James gaya ng sinasabi mo, it’s your take.
Kung tutol ang parents mo, nasa tamang edad ka na para gawin ang inaakala mong tama para sa iyo.
Mag-isip ka rin ng mabuti sa gagawin mong desisyon.
Dr. Love
- Latest