^

Dr. Love

Kapatid sa Ama

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 

Akala ko ulirang ama ang aking itay. Tawagin mo na lang akong Herman, 21 anyos. Dalawa sana kaming magkapatid pero ang isa ay namatay nung kapapanganak pa lamang.

Nagbago ang pananaw ko tungkol sa aking ama nang minsang umuwi siya ng bahay na may kasamang babaeng kaedaran ko. Nagulat kami kapwa ni inay sa ipinagtapat niya na anak niya ito sa ibang babae. Sa una’y pareho kaming nalungkot ni inay ngunit wala kaming magagawa kundi tanggapin ang malungkot na katotohanan. Patay na raw ang ina ng kapatid kong babae at humingi ng tawad sa amin si itay.

Bagamat pinatawad na namin si itay, sa loob-loob ko’y may lihim akong galit sa kanya. Paano mawawala ang galit kong ito?

Herman

Dear Herman,

Walang tao na hindi nagkakasala pero kung nagsisi ay dapat patawarin. Ang pagtatapat sa inyo ng iyong itay ay tanda na pinagsisisihan niya ang kanyang ginawang kasalanan.

Ibig sabihin, tunay siyang uliran na dapat ha-ngaan.

Sabi mo’y napatawad mo na siya, kung gayon, ibalik mo ang dati mong respeto at pagmamahal sa kanya.

Dr. Love

vuukle comment

ITAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with