Iwasan ang ex
Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang ninyo akong Jun. Hindi ko inaasahan na sa abroad pa kami magkikitang muli ng akingg ex. Halos mag-iisang taon na ako rito sa Qatar. Maayos naman ang paghahanapbuhay ko.
Nagtitiyaga at nag-iipon ako para sa aking pamilya. Minsan hindi na nga ako ng hahapunan para makatipid. Wala rin akong bisyo at hindi na rin ako gumagala tuwing Linggo.
Nito nga lang isang linggo habang nasa plaza ako pagkatapos magsimba sa Christian community, nakita ko ang aking dating gf.
Diyos ko po. Kung kelan hindi ko iinaasahan saka pa kami nagkita. Dapat siya talaga ang pakakasalan ko pero nagkaroon ako noon ng bagong babaeng niligawan. Siya na nga ang misis ko ngayon. Hindi ko maikakaila na may nararamdaman pa rin ako sa kanya. Ako naman talaga ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay.
Nagiging madalas ang aming pakikita tuwing linggo. Naikweo nga niya na hindi na siya ng bf simula nang magkahiwalay kami.
Nauna siya rito sa akin sa Qatar na wala naman akong kaalam-alam. Ayokong mangyaring maging dahilan siya ng aking isa pa muling pagkakamali. Alam kong umaasa sa akin ang aking asawa’t mga anak na nahahanapbuhay ako ng maayos dito.
Ayoko rin naman ng magulong pamilya. Hindi ko alam kung kailangan pa bang sabihin ko ito sa aking ex. Para hindi na siya umasa na magkarelasyon kami dito sa Qatar.
Jun
Dear Jun,
Hangga’t maaari ay umiwas ka na sa ex mo.
Mahirap kung mahulog na muli ang damdamin mo sa babaeng iyon. May sarili ka nang pamilya. Dagdagan mo ngayon ang sakripisyo mo. Bukod sa pagtitipid ay dumistansiya sa mga taong mag-uugnay sa iyo sa sa babaeng iyon.
Hangga’t wala pang nangyayaring hindi maganda ay umisip ka na ng paraaan para hindi kayo maging close uli.
Tandaan mo, may pakpak ang balita. Kaya lagi ka mag-ingat at magdasal ng hindi ka mabulid sa tukso. Ngayon ko ang tagunpay mo dyan sa Qatar.
DR. LOVE
- Latest