^

Dr. Love

Nangangarap magkaroon ng isang DJ

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Sweet Girl. Isa ako sa mga nangangarap na magkaroon ng isang DJ o disc jockey na mag-alaga sa’kin at magiging isang mahalagang inspirasyon.

Nasa elementary palang po ako, at ang sabi ng marami, masyado pang bata para makipag-boyfriend. Ma-appeal po sa’kin ang isang dj dahil talagang mahilig ako sa music.

Pero ang lahat ng iyan ay mananatili na lang bilang pangarap.  Dahil nagbanta ang parents ko na tantanan ko na ang pangarap na dj kung ayaw ko tumigil na lang ng pag-aaral. Wala raw itong maidudulot na mabuti para sa’kin.

Hindi na raw kasi napapanahon ang paghahangad ko sa isang dj, kung kaya mabuti pang ituon ko na lang daw sa pag-aaral ang aking isip nang sa gayon ay may mapala pa akong magandang grades.

Nagsisikap naman po ako sa pag-aaral. Palagay po ba ninyo ay dapat ko nang kalimutan ang pangarap na magkaroon ng isang dj?

Sweet Girl

Dear Sweet Girl,

Sa palagay ko, oo. Dahil mas makakabuti para sa’yo na ituon mo ang buo mong  atensiyon sa iyong pag-aaral. May takdang panahon para sa pakikipagrelasyon. Tama ang sabi ng marami, sa ngayon ay masyado ka pang bata para isipin ang tungkol sa bagay na iyon.

Maaaring sa paglipas ng panahon na nagma-matured ka na, mare-realize mo na tama nga na hindi mo na dapat pangarapin ang magkaroon ng isang dj.

Hangad ko na mapagyaman mo ang iyong kaalaman at kakayahang pang-akademika, at maging matagumpay ka sana sa buhay.

Dr. Love

SWEET GIRL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with