Sinisisi ang sarili
Dear Dr. Love,
Lumiham ako sa inyo hindi para sa sarili ko, kundi para sa aking best friend. Para ko nang kapatid si Wendy kaya worried ako sa kalagayan niya. Sobra ang kanyang depresyon dahil sinisisi ang sarili sa pagkamatay ng kanyang boyfriend na nag-suicide sa pamamagitan ng pagbibigti.
Idinaan sa matinding pagsubok ni Wendy ang kanyang boyfriend na sobrang nagmamahal sa kanya. Sinabi niya sa akin na magkukunwari siyang makikipag-break dito.
Pinipigilan ko siya pero pursigido siyang ituloy ang balak niya. Nakipag-break nga siya sa boyfriend niya at kahit nakikipagbalikan ang lalaki sa kanya ay hindi niya pinapansin. Umabot ito ng two weeks hanggang sa nabalitaan ni Wendy na nagbigti ang boyfriend niya. Hindi sukat akalain ni Wendy na magagawa ito ng boyfriend niya.
Ngayon ay parang nababaliw ang aking kaibigan at hindi makausap ng matino. Tuliro na rin ang isip ng mga magulang at kapatid niya.
Ano ang dapat naming gawin?
Elma
Dear Elma,
Talagang walang ibang masisisi sa nangyari kundi si Wendy. Kundi dahil sa pagsubok niya ay hindi makakaisip na magpatiwakal ang boyfriend niya.
Batid niya na kasalanan niya ito kaya hindi ito makayang dalhin ng kanyang budhi. Kailangan ng kaibigan mo ang professional help.
Dapat na siyang isangguni sa psychiatrist na siyang tanging makagagamot sa kanyang karamdaman.
Dr. Love
- Latest