^

Dr. Love

Supportive na tatay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bilang isang ama alam kong apektado ako sa nangyayari sa aking mga anak. Ma-ging sa kanilang love relationship.

Malalaki na sila pero minsan hindi mo aakalain na masyado pa ring maramdamin, lalo na ang aking panganay na anak.

Naghiwalay sila ng bf niya, for almost 4 years na naging sila. Actually pangalawang break up na nga niya ito.

Noong una nakiusap pa nga ‘yung bf niya na kung pwede ko pang magawan ng paraan para hindi sila magkahiwalay. Hindi na kinaya ng anak ko kaya umayaw na siya.

Wala naman akong nagawa dahil syempre may sarili naman silang buhay. Pero bilang ama, pinayuhan ko silang dalawa. Maayos naman silang naghiwalay.

Nagkaroon na naman ang anak ko ng bagong bf.

Noong una, wala na akong masabi dahil mabait naman at magalang ang naging bago niyang bf.

Maasikaso at ang akala ko nga magiging sila na dahil pareho na silang professional.

Sinabihan ko naman ang anak ko na kailangan marunong silang umunawa sa isa’t isa. Masyadong selosa ang anak ko, kaya ‘yun ang madalas na pinagmumulan ng away nila.

Naalala ko rin kasi ‘yung tatay ng tinanan ko dati, sobrang supportive sa anak. Kahit nagkamali na kami, nakuha pa niyang pakitunguhan ako ng maayos.

Ganun din ang gusto kong maipakita sa aking anak. Ang maging isang supportive na tatay. Ayoko rin naman nakikitang malungkot siya. At ng walang masabi sa akin ang kanyang naging bf, na hindi ko sila nirespeto.

Mang Elmar

Dear Mang Elmar,

Maraming salamat sa ibinahagi mo. Sana all tulad mo. Napakabuti mong ama.

Tama ka naman, bilang ama ayaw nating nasasaktan at nalulungkot ang ating mga anak, maging lalaki man o babae ‘yan.

Wala namang magulang na gustong mapariwara ang kanilang anak.

Kaya nga hangad natin hangga’t maaari na kilalanin at pakisamahan ng mabuti ang kanilang nagiging karelasyon.

Tuloy mo lang ang pagiging supportive mo.

Pero huwag mo silang diktahan, bagkus i-encourage them na may mga pagkakataon na talagang kailangan matuto silang magdesisyon at manindigan sa anumang alam nilang tama at makabubuti para sa kanila.

DR. LOVE

ANAK

ELMAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with