^

Dr. Love

Walang lambing ang asawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sana’y mapaunlakan mong ilathala ang sulat kong ito. Tawagin mo na lang akong Naldy, 36 anyos at ang misis ko ay 32 anyos. Mayroon kaming dalawang anak na parehong nasa senior high school.

Masipag sa gawaing bahay ang misis ko pati na sa pag-aasikaso sa aming mga anak. Mas ginusto niyang maging housewife kahit nakatapos ng kolehiyo dahil mas tungkulin daw ng ina ang palakihing maayos ang mga anak.

Wala akong maipipintas sa kanya sa aspetong iyan. Pero ang kulang sa kanya ay lam-bing. Pagdating ko mula opisina ay wala man lang karinyo gaya ng yakap at halik. Kapag ako ang gumagawa nito ay para siyang naaasiwa.

Kahit sa aming pagtatalik ay wala siyang init. Kahit hindi niya ako tinatanggihan kapag nagyayaya ako, parang ginagawa lang niya ito bilang obligasyon. Minsan natutukso akong humanap ng iba na mas mainit na kan-dungan.

Pagpayuhan mo ako.

Naldy

Dear Naldy,

Napakapalad mo sa iyong misis na ginagawa ang tungkulin ng isang maybahay, lalo na sa pagpapa-laki sa inyong anak ng tama. Iyan ang pinakamahalagang obligasyon ng mga magulang sa mga anak.

Masiyahan ka na sa hindi niya pagtanggi sa iyong mga kalabit sa gabi bagamat sinasabi mong wala siyang init. Tinutupad niya ang tagubilin ng Diyos na huwag ipagkait ng mag-asawa ang sarili sa isa’t isa.

Mahalin mo siya dahil nakatagpo ka ng hiyas na bihirang matagpuan sa babae.

Dr. Love

NALDY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with