^

Dr. Love

‘Señorita’ ang napangasawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Albert na lang ang itawag mo sa akin, 39 anyos at ang misis ko ay bata ng labing- isang taon sa akin. Pitong taon na  kaming kasal at wala pang anak.

Minsan, pinasasalamatan ko si Lord dahil kung may anak na kailangang alagaan ang misis ko, lalo akong maaaburido.

Masyadong “señorita” ang asawa ko. Tanghali na kung magising at walang alam na gawaing bahay. Inaasa na lang sa katulong ang lahat ng gawain at ni hindi marunong magluto.

Magaling lang siya sa kama pero hindi iyan ang hanap ko sa babae. Ako ang nagtatrabaho para kumita ng pera, dapat naman ay gampanan niya ang obligasyon ng maybahay.

Binalaan na ako ng mga parents niya nang hingin ko ang kamay ng misis ko, na  ang anak nilang ito ay señorita at walang alam na gawaing bahay. Sabi ko, tuturuan ko siya.

Ako lang ang naghahanapbuhay at siya ay prenteng nasa bahay lang at ang gawain ay puro tulog, kain at computer games.

Pero hindi ko mapagbago ang ugali niya. Puwede bang gawing ground for annulment ang katamaran ng isang babae?

Albert

Dear Albert,

Hindi ako sigurado pero magtanong ka sa abogado kung puwedeng dahilan iyan para sa annulment.

Mabuti nga at wala pa kayong anak at kung hindi, baka nagbitiw ka sa trabaho para mag-alaga ng anak.

Ngunit kung mangyayari iyan, paano kayo mabubuhay na wala kang income?

May kasalanan ka rin naman dahil hindi mo pinakinggan ang warning ng parents ng iyong naging asawa. Pero nariyan na iyan. Hindi ko ipinapayo na hiwalayan mo siya ngunit kung iritado ka na at hindi mo siya kayang baguhin, ikaw na ang bahalang magpasya.

Dr. Love

DR.LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with