^

Dr. Love

DKinulam?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Gusto ko po isangguni sa inyo ang aking anak na sa palagay ko ay kinulam. Tinubuan siya ng katakutakot na pigsa sa katawan at marami nang doktor ang sumuri sa kanya at nagbigay ng gamot na hindi naman nakabuti, kundi parang nakasama pa dahil lalong dumami ang kanyang mga pigsa.

Tatlong albularyo na rin ang sinangguni namin pero walang nangyari.   May albularyo na isa ring manghuhula na nagsabi na may inagrabyadong babae ang anak ko na iniwanan matapos mabuntis. Nang tanungin ko ang anak ko ay umamin siya. Mag-iisang taong gulang na raw ngayon ang kanyang anak.

Mag-iisang taon na rin ang kalagayan ng aking kawawang anak, kaya naniniwala ako na siya ay pinakulam ng babaeng ‘yun. Hirap na hirap na akong makita siya sa kalagayan niya. May iniinom siyang gamot para mabawasan ang sakit pero hindi nawawala ang mga pigsa.

Nag-aalala ako dahil halos hindi makatulog ang anak ko sa dahilang tuwing hihiga siya ay nadadaganan ang mga pigsa. Hindi na rin kaigaigaya ang kanyang amoy. Hindi ko na tuloy alam ang dapat gawin.

Ida

Dear Ida,

Nakasaad sa biblia ang kulam, kaya dahil Kristiyano ako ay naniniwala ako diyan. Sa halip na sa albularyo mo dalhin ang anak mo, subukan mong ipa-pray over sa mga Christian believers na malalim na ang pananampalataya at relasyon sa Diyos.  Hindi lang naman pastor o evangelist ang puwedeng manalangin ng kagalingan para sa iyong anak. Kahit sinong Kristiyano na matibay ang pananalig sa Diyos ay maaaring manalangin.

At kung may inagrabyado ang anak mo, dapat lang niyang panagutan ito. Kung ayaw niyang pakasalan ang babaeng nabuntis niya, bigyan niya ng sustento ang bata dahil dugo niya ‘yon.  Makipag-usap siya at makipag-areglo sa babae at baka sakaling magamot ang kanyang dinadalang karamdaman.

Dr. Love

KULAM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with