Ipinag-aasawa na
Dear Dr. Love,
Ako po si Jhoy. Kinukulit na ako ng mama ko na mag-asawa na. Nasa tamang edad na raw ako 27 years old. Business Administration ang tinapos ko. May sarili na akong buy and sale business. Hands on ako araw-araw sa mga paninda ko. Bukod pa dun may online sales din akong mino-monitor. Wala na nga raw kulang sa akin, asawa na lang.
Eh, boyfriend nga wala ako, asawa pa. Sakit sa ulo lang ang pag-aasawa. Ayoko ng may iniintindi pang iba bukod sa pamilya ko.
Kung mag-aasawa ako, mahahati lang ang atensyon ko sa kanila. Mas mainam na solo ko na lang ang buhay ko. Hindi ko alam kung paanong magkakatotoo na ikakasal ako sa isang lalaki. Pero sa ngayon hindi ko pa ‘yun priority.Dear Dr. Love,
Ako po si Jhoy. Kinukulit na ako ng mama ko na mag-asawa na. Nasa tamang edad na raw ako 27 years old. Business Administration ang tinapos ko. May sarili na akong buy and sale business. Hands on ako araw-araw sa mga paninda ko. Bukod pa dun may online sales din akong mino-monitor. Wala na nga raw kulang sa akin, asawa na lang.
Eh, boyfriend nga wala ako, asawa pa. Sakit sa ulo lang ang pag-aasawa. Ayoko ng may iniintindi pang iba bukod sa pamilya ko.
Kung mag-aasawa ako, mahahati lang ang atensyon ko sa kanila. Mas mainam na solo ko na lang ang buhay ko. Hindi ko alam kung paanong magkakatotoo na ikakasal ako sa isang lalaki. Pero sa ngayon hindi ko pa ‘yun priority.
Si Lord na bahala kung may makikilala ako at talagang makakapag-asawa pa ako.
Jhoy
Dear Jhoy,
Mainam na ipag-pray mo kung ano ang plano ni Lord para sa iyo.
Syempre tumatanda na rin ang parents mo kaya gusto nila na makita pa ang kanilang magiging apo.
Give time rin sa sarili mo. Huwag matakot na mag-entertain ng manliligaw.
Minsan, hindi mo ina-asahan, darating ang isang lalaking susuyuin ka, liligawan at yayaing magpakasal.
Sa ngayon, enjoy mo muna ang business. Malay mo may isang guy na biglang mabighani sa iyo. Ok lang para makapili ka rin ng talagang para sa iyo.
DR. LOVE
- Latest