^

Dr. Love

Pinsang buo nag-live in

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Naglakas-loob ako na sumulat sa iyo para ihingi ng payo ang problema ko. Tawagin mo na lang akong Eliseo, 25 anyos. May ka-live in ako na gusto ko sanang pakasalan pero hindi pwede dahil siya ay pinsan kong buo.

Magkapatid ang aking ina at ang kanyang ama. Nang malaman ng pamilya namin na nagkagustuhan kami, mahigpit silang tumutol lalo na ang aming mga magulang. Pero dahil nagmamahalan kami ay kagustuhan namin ang nasunod. Nagtanan kami sa kabila ng galit ng aming mga magulang.

Hanggang sa huling sandali ay pinupuntahan kami ng parents namin para pakiusapang maghiwalay. Sabi nila, hindi pwedeng maging mag-asawa ang magkadugo at mataas ang posibilidad na magkaroon ng anak na abnormal.

Sumuko rin sila sa bandang huli dahil hindi kami nahimok na maghiwalay.  Tatlong taon na kaming nagsasama ngayon at mukhang tama sila dahil ang unang anak namin ay may down syndrome habang ang pangalawa ay maigsi ang isang paa.

Kaya nagpasya na kaming huwag nang magkaanak at gumagamit kami ng contraceptive. Hindi alam ng parents namin na nagkaroon kami ng mga anak na abnormal. Hindi na sila nakibalita dahil sa matinding galit.

Dapat ba naming ituloy ang aming pagsasama?

Eliseo

Dear Eliseo,

Maraming kaso ng magpipinsan na nagi-ging mag-asawa. ‘Yung iba ay pinapalad na magkaanak ng normal pero marami rin ang nagsisilang ng may kapansanan.

Dati pinapayagang ikasal ang malapit na magkamag-anak pero ngayon ay hindi na.

Kahit sa Lumang Tipan ng Biblia, mara-ming malapit na magkakaanak ang naging mag-asawa at hindi naman ito ibinawal ng Diyos.

Pero dahil sa ma-laking tsansa na ma-ging abnormal ang mga anak, mas makabubuti na huwag na lang magsama ang iisa ang dugong nananalaytay sa kanilang ugat.

Dr. Love

ELISEO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with