^

Dr. Love

Puro paghihirap na lang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello po sa inyo, Dr. Love. Sana ay mapagpayuhan ninyo ako sa taglay kong problema. Tawagin mo na lang akong Rita, 33 anyos.

Sabi nila, ang mga trials sa buhay ay pinapayagang mangyari ng Diyos para tayo ay patatagin sa ating buhay.

Pero iba ang situwasyon ko. Imbes na lumakas ay lalo po akong pinanghihinaan ng loob at nawawalan na ng pag-asa.

Dr. Love, pulos na lamang ba pagsubok na matitindi sa nakaraang mahigit dalawang taon at ni kaunting pag-ahon sa mga trials na ito ay wala akong nadama? Bakit? Iyan ang tanong ko sa Diyos na sa loob-loob ko ay nais ko ng itakwil.

Hanggang kailan ako idadarang sa apoy ng pagsubok? Pagsubok nga ba ito o sadyang galit sa akin ang tadhana kaya ako pinarurusahan?

Mahirap lang kami at sa sarili kong sikap ay nakapagtapos ako ng kursong business administration.

Hindi ako agad nag-asawa dahil ako ang sandalan ng aking mga magulang. Nag-asawa lang ako nang kapwa patay na sila.

Nang mamatay na pareho ang mga magulang ko, tsaka ko naisip na pagbigyan naman ang sarili na magka-love life at mag-asawa.   Sa malas, natapat ako sa lalaking masama ang ugali. Hindi na niya ako pinagtrabaho dahil kaya raw niyang mag-isa na magtaguyod ng pamilya.

Plain housewife na lang ako at dito ko ibinuhos ang aking very best upang maging ideal housewife at ina ng aming mga anak. Akala ko ay okay ang asawa ko.

Madalas niya akong kinagagalitan at kuwestyunin sa mga gastusin. Dr. Love, hindi naman kami kinakapos kahit hindi kalakihan ang kinikita niya at iyan ay dahil marunong akong mag-budget. Hindi niya ma-apprecitae ‘yun at minumura pa ako. Sagad na sagad na ko, Dr. Love.

Gusto ko’ng magtrabaho muli para matapos na ang pro-blemang ito. Tutal may nag-aalok sa akin na negosyante at malaki ang sahod.

Tama ba ang gagagawin ko?

Rita

Dear Rita,

Kung papayagan ka naman ng mister mo, hindi masama na magtrabaho ka. Kumuha ka na lang ng katulong sa bahay o kaya yaya para siyang mangalaga sa inyong mga anak.

Kung hindi siya papayag at ipagmatigasan na huwag kang magtrabaho, baka lalo lamang kayong magkagalit.Talagang may mga lalaking katulad ng asawa mo pagda-ting sa pamamahala ng salapi.

Bagamat hindi maganda ang pagkakani-kanya ng mag-asawa sa usaping pananalapi, mas mainam na marahil ang ganyang setup para hindi ka niya pwedeng sisihin kung siya na ang mamamahala ng sarili niyang kita.

Sumahin ninyo ang mga gastusin sa bawat buwan tulad ng kuryente, tubig, pagkain, maintenance at iba pa at maghati kayo sa babayaran. Pag-usapan ninyong mabuti ang setup.

Dr. Love

RITA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with