Ginagawang palabigasan
Dear Dr. Love,
Six months na kaming magkasintahan ni Tonypet at hindi ko inaakalang lalabas ang kanyang totoong kulay. Ramdam ko’y ginagawa niya akong sugar Mommy.
Nagsimula ito nang sabihin niya sa akin na malubha ang kanyang ina at nangangailangan siya ng P 50 libo. May savings naman ako kaya pinahiram ko siya.
Hinuhulughulugan niya ito sa akin pero wala pang P10 k ang naibabayad niya ay tumigil na siya. Nahiya naman akong singilin siya dahil boyfriend ko siya.
Nasundan pa ito nang umutang siya ng P50k uli dahil nag-aaply siya ng trabaho sa Canada. Para raw ito sa future namin.
Pero pagkatapos noon ay madalang na siyang makipag-communicate sa akin at nang huli kaming mag-usap, na-scam daw siya sa pinag-aplayan niya sa Canada. Ngayon ay inuutanang uli niya ako pero ubos na ang savings ko.
Ano ang gagawin ko?
Wenda
Dear Wenda,
Hindi siya na-scam kundi ikaw ang kanyang niloko.
Kung hindi ka binulag ng malaking pagkagusto sa kanya, sa pangalawang ulit na inutangan ka ng malaki ay dapat tumanggi ka na dahil obvious na niloloko ka.
Ngayong ubos na ang savings mo, dapat may natutuhan ka na.
Ano ang gagawin mo para mabawi ang pera? Wala, dahil wala naman kayong pinirmahang umutang siya sa iyo. Kung meron, pwede mo siyang idemanda.
Kalasan mo na ang lalaking swindler na iyan at kalimutan mo na ang nawala mong pera. Wika nga, charge to experience.
Dr. Love
- Latest