^

Dr. Love

Hirap sa sched ng gf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Rico. May gf ako, isang flight attendant. Noong hindi pa siya natatanggap bilang flight attendant, lagi kaming magkasama.

Marami siyang oras para sa akin. Actually pangalawa na niya akong karelasyon. Ang nauna ay isang lesbian. Alam ko naman kung bakit sila nagkahiwalay. Niloko siya, nagsyota ng iba.

Kaya naman ayaw kong mawala ang tiwala niya sa akin. Lahat ay inilalaan ko sa kanya.

Kaso nitong mga nakaraang buwan parang nahihirapan ako sa schedule niya. Simula ng sumasakay na siya sa eroplano. Bihira na siyang nagkakaroon ng time sa akin.

Syempre naiintindihan ko dahil kasama ‘yun sa trabaho niya. Ang hindi niya alam, minsan kapag nabuburyo ako, sumasama ako sa tropa. Hayun, nakakalimot ako kapag nakainom na. Bigay todo ako sa happy-happy namin. Nauubos ko tuloy ang budget ko para sa kanya.

Nagalit na nga siya minsan ng hindi ko sinasagot ang tawag niya. Nagpaalala siya na ayaw niyang matulad ang relasyon namin sa una niyang relasyon.

Para makabawi ako, pinuntahan ko siya sa Iloilo. Dun na kami nagkita at nag-celebrate ng aming anniversary. Sana lang masanay ako sa sitwasyon namin ngayon, at hindi mabaling ang isip ko sa iba.

Rico

Dear Rico,

Nasa iyo kung ano talaga ang gusto mong mangyari sa inyong relasyon. Pero tiyak na umaasa ang gf mo na mauunawaan mo at magtitiyaga ka sa kabila ng kanyang schedule.

Alam mo rin ang kanyang pinagdaanan noon. Tama ang ginawa mo, na ikaw na mismo ang gumagawa ng paraan para inyo.

Konting tiis lang at kung may dapat umunawa sa kanya, ikaw ‘yon. Suportahan mo ang gf mo kung talagang mahal mo siya.

DR. LOVE

vuukle comment

RICO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with