^

Dr. Love

Sinisiraan sa nililigawan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawahin na lang po ninyo akong Tinio. Isa akong bagong janitor na assigned sa isang kilalang supermarket. Ginusto ko na ang trabaho kasi wala akong choice. Hindi naman ako tapos ng pag-aaral sa college.

Napaganda pa nga ang buhay ko kasi dati, talagang tambay lang ako. Kung hindi umiinom, nagkukwentuhan lang kami ng barkada sa tapat ng bahay namin. Wala ring hanapbuhay ang ermats ko. Si Erpats naman, maagang kinuha ni Lord.

Kailangan kong dumiskarte dahil nag-aaral pa ang kapatid ko. Sa araw-araw na duty ko, may isang sales lady na natipuhan ko. Sa madaling salita, niligawan ko.  Ok naman ako sa kanya dahil mabait siya. Minsan nga sinasabayan pa niya akong kumain lalo na kung pareho kami ng schedule ng duty.

May humarang lang. Binubuyo siya ng kanyang mga kasama. Wala nga raw siyang mapapala sa akin.

Paano raw kung ma-endo ako. Baka lang daw matengga na naman ako at siya pa ang kumayod para sa aming dalawa. Paano kung magkaanak pa kami? Hindi ko na minsan nagugustuhan ang paninira ng kasamahan niya.  Hindi naman sila ang nililigawan ko. Syempre matitiis ko ba ang babaeng mahal ko? Hindi ko alam, sana hindi siya makinig sa mga alipores niyang mga marites. Porket janitor lang ako at dating tambay, eh mamaltratuhin nila ako?

Tinio

Dear Tinio,

Pang-ilang beses ka na ba nanligaw? Baka naman tsina-challenge ka lang ng mga kasamahan niya, para malaman nila kung seryoso ka talaga sa babaeng niligawan mo.

Ipakita mo sa kanila na seryoso ka sa iyong panliligaw. Masipag ka. I-grab mo ang lahat ng pagkakataon para mapalapit sa iyo si girl. Ikaw na rin ang nagsabi, ang babaeng nililigawan mo ang magpapasya kung mamahalin ka rin niya o hindi. Kung tatanggapin ka niya, maging sino ka man.

Sige ka baka nga umabot ka pa sa end of contract mo. Hindi mo pa siya napapasagot. Mas mahihirapan ka na kung sa ibang lugar ka na madestino. Kung mahal naman natin ang isang tao, anuman ang kanyang naging karanasan o kalagayan sa mundo, basta’t mahal ka ng tao wala kang magigiing problema sa kanya. Inggit lang ang mga naninira sa iyo. Huwag kang papatalo. Basta huwag ka ring papatol sa kanila.

DR. LOVE

TINIO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with