^

Dr. Love

Inaakusahang nagtataksil

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kung swertihan ang pag-aasawa, baka nga minalas ako. Dahil kahit buntis ako ay nakakatikim ako ng pananakit ng aking asawa, dahil lang sa walang katuturan niyang pagseselos.

Mantikan mo, poket dinatnan niya ako sa bahay na bagong ligi, syempre mabango at nakaayos, may kakatagpuin daw ako sa labas.

May mga pagkakataon na naiisip kong sa bahay muna ng aking mga magulang ako lumagi hanggang sa makapanganak, para matiyak na magiging ok kami ng aking baby.

Ang malungkot po, mukhang kahit sa hinagap ay hindi inaalala ng aking asawa ang kalagayan naming mag-ina.

Tulungan po ninyo ako kung ano ang pinakamabuti kong gawin. Maraming salamat po.

Agnes

Dear Agnes,

Hindi kita masisi kung gugustuhin mong lumayo muna sa iyong asawa para masiguro ang kaligtasan ninyo ng iyong baby. Dahil ‘yun ang pinakamainam na gawin. Hingin mo ang tulong inyong mga kamag-anak para rito.

Subukin  mo rin kausapin ang iyong asawa, paliwanagan siya at himuking magbago. Pero kung walang mangyari, baka ang kailangan niya ay professional help. Ikonsulta sa psychiatrist o clinical psychologist. Dito mo puwedeng ikonsidera ang annulment legally married kayo. Dahil ang labis na pananakit ng isang asawa sa kanyang misis ay matibay na ground para ipawalang bisa  ang kasal.

Dr. Love

PSYCHOLOGIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with