^

Dr. Love

Nililigawan ng tikbalang

Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,
Ewan ko po kung paniniwalaan mo ang sasabihin ko sa iyo. Tawagin mo na lang akong Celsa, 34 anyos at isang kasambahay. Nagtatrabaho ako sa Norzagaray, Bulacan. Pero ako ay taga Leyte. Isa na akong biyuda at walang anak.
Dalaga pa ako sa aming lalawigan ay may nanliligaw sa aking tikbalang, sa maniwala ka o hindi. Gusto niya kausapin ko siya lagi at ‘pag hindi ko pinansin, ang pagkain ko ay hinahaluan niya ng buhangin.
Nagpa-albularyo na ako pero hindi pa rin ako pinatatahimik.
Basta ang gusto lang niya ay sasagot ako kapag may sinabi siya. Saglit lang at masaya na siyang aalis. Kaya ‘yun na lang ang ginagawa ko. Nauunawaan naman ako ng mga magulang ko kapag nagsasalita akong mag-isa.
Nang mag-asawa ako, isang buwan lang ay namatay nang bigla ang asawa ko. Atake raw sa puso pero palagi siyang pinagseselosan ng manliligaw kong tikbalang. Nang mapadpad ako sa Manila at nakarating sa Bulacan, lagi pa rin akong ginugulo.
Ano kaya ang gagawin ko para lumayo sa akin ang tikbalang na ito?
Celsa
Dear Celsa,
Huwag kang maga-galit sa sasabihin ko. Dalawang bagay ang maaaring pagmulan ng ganyang situwasyon. Una, puwedeng kapansanan sa pag-iisip o kaya ay may masamang espiritung nanliligalig sa iyo. Kung kapansanan sa isip, magsadya ka sa isang espesyalista gaya ng psychiatrist. Magtapat ka sa amo mo at maaa-ring makatulong siya sa iyo.
Pero kung iyan ay gawa ng masamang espiritu, ang kailangan mo ay deliverance mula sa impluwensya nito.
Kung Katoliko ka, makakatulong ang pana-langin ng pari at kung Born Again Christian ka, magpa-pray over ka sa isang pastor. Ngunit dapat maging malakas ang inyong pananampalataya kay Jesu-Cristo. Kapag nagpakita pa ang tikbalang, sumigaw ka ng “Sa Pangalan ni Jesu-Cristo, lumayo ka at huwag nang babalik.” Lakipan mo ito ng taimtim na panalangin. Gawin mo iyan lagi.
Dr. Love

DR. LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with