^

Dr. Love

Feeling undeserve sa gf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo Bon. Minsan kahit hindi mo iniisp talagang dumarating ang panahon para masubukan ang inyong rela-syon.

Dumating na nga ang pagkakataon na kinailangan ng gf ko ng pera para sa kanyang thesis defense.

Gusto ko siyang tulungan pero kaila-ngan ko rin ang pera pang tuition ko naman.
Ahead siya sa akin ng isang taon, kulang na lang siya ng ilang requirements para maka-graduate kasama ang kanyang thesis.

Gusto kong mangutang para may maiambag ako sa kanya kaso wala akong malapitan dahil may utang pa rin kami sa tito ko noong nakaraang semester na ipinang-tuition ko.

Sinabihan na rin ako ng gf ko na huwag ko siyang alalahanin. May malalapitan naman daw siya para makahingi ng tulong.

Mabuti at tinulungan siya ng school namin hindi na niya munang kailangang magbayad. Isinama siya sa proyektong study now, pay later, na dapat pang-tuition lang iyon.

Hindi naman ako qualified doon dahil may grade na kailangan para maibigay sa iyo ang pribilehiyo na iyon.

Natutuwa ako sa aking gf pero may pang-hihinayang ako sa mga bagay na hindi ko magawa para sa kanya.

Kaya feeling ko hindi ako deserving na bf.

Sana mayaman na bf na lang ang sinagot niya. 

Bon

Dear Bon,

Alam mo ba na hindi lang naman pera ang sukatan ng malalim na relasyon.

Mas mahalaga pa rin ang pinagsamahan ninyo at ang inyong pagtanggap sa isa’t isa kahit sa matinding pasubok sa buhay.

Ayokong sabihin na umasa na lang kayo nang umasa sa tulong na iba. 

Pero kung wala ka namang kakayahan, hindi ba iyon pa rin ang magiging paraan mo?

Huwag kang padala sa sitwasyon ninyo ngayon. 

Kapag nakapagtapos kayo ng inyong pag-aaral, maaari ninyong baguhin ang inyong magiging  bukas.

Magsikap ka pa nang lubos at ngayon mo dapat ipakita sa iyong gf na hindi kaya ninyong malampasan ang mga pagsubok, hindi lamang sa financial na aspeto.

Lagi mong samahan ng taimtim na panalangin ang kapwa ninyo pagsisikap sa pag-aaral. Nang sa gayun ay pareho ninyong mapagtagum-payan at masiguro ang magandang kinabukasan.

DR. LOVE

BON

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with