Nagkatotoo ang napapanaginipan
Dear Dr. Love,
Ako po si Arnold. Dito po ako sa Qatar nakabase ng limang taon. Nitong mga huling araw ng aking pag-stay rito lagi akong nananaginip na niloloko raw ako ng misis ko.
Ayaw ko itong paniwalaan dahil maayos naman ang aming communication. Pero nitong mga hu-ling araw ay naaapektuhan na ako. Hindi na rin ako mapakali sa trabaho.
Hanggang isang kompirmasyon ang aking natanggap. Nag-chat sa akin ang aking anak, huwag ko raw ipaalam kay mommy niya na sinabi niya sa’kin na laging may kasamang lalaki ang kanilang ina.
Ang sabi business partner, pero nahuli ng anak ko na naghahalikan sila sa sala nang biglang siyang umuwi ng bahay. Gulat na gulat ang aking misis, pero nagsawalang kibo na lang ang aking panganay na anak.
Matapos noon hindi na sila nagkikibuan ng maayos. Laging galit ang misis ko at minsan gabi na raw umuwi.
Dr. Love, in denial pa rin ako. hindi ko matanggap na mangyayari ang napapanaginipan ko sa aking pamilya. Hindi ko alam kung paano ko ito iha-handle, sana po matulungan ninyo ako.
Kakauwi ko lang at hindi pa alam ng misis ko.
Arnold
Dear Arnold,
Huwag ka munang magpadalos-dalos. Alamin mo muna ang lahat. Hangga’t maaari haya-an mo na ang misis mo ang magtapat sa’yo ng kanyang pagkakamali. Basta tanungin mo lang siya ng maayos.
Kung sakaling humi-ngi siya ng tawad, ikaw na ang magdesisyon. Alamin mo kung totoong nagsisisi siya at handa niyang iwan ang kanyang kalaguyo.
Kung hindi naman at manindigan siyang ayaw na niya sa iyo, mag-usap kayo ng maayos alang-alang sa mga anak ninyo.
Iwasan mo ang ma-ging madahas. Gawin mong legal ang lahat para hindi ka napapadala sa galit. Hayaan mo ang batas ang humatol sa kanila.
Tulungan mo ang iyong sarili para na rin sa inyong anak.
DR. LOVE
- Latest