^

Dr. Love

Matakaw si mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nang pakasalan ko ang akin asawa na si Nestor, mala-adonis ang kakisigan niya. That was seven years ago. Hindi siya katangkaran sa height na 5’6 pero maganda noon ang katawan niya dahil nagdyi-gym.

Lumipas ang dalawang taon at kinalimutan na niya ang gym at naging malakas kumain. Kulang sa kanya ang isang bandehadong kanin at mahilig kumain ng baboy at baka.

Ngayon ay umaabot na siya sa 200 pounds at saksakan ng taba. Nawala na ang kanyang kisig at tikas. Kung pupunahin ko siya, nagagalit siya at sinasabing kung ayaw ko na siya ay humanap na ako ng ibang mas guwapo.

Nawala na rin ang gana niya sa pakikipagtalik at kung gawin namin ito ay hinihingal siya at nauunang umaayaw.

Ngayon ay madalas siyang dumaraing na naninikip ang dibdib. Bata pa kaming pareho ng mister ko at ayaw ko siyang mawala.

Pagpayuhan mo ako.

Jeany

Dear Jeany,

Ipaduktor mo na siya. Kung ikaw lang ang magpapayo sa kanya na mag-diet malamang hindi siya sumunod sa iyo.

Ang paninikip ng dibdib sa isang overweight na tao ay indikasyon na may sakit siya sa puso. Maaaring duktor ang magpayo sa kanya na magbawas ng timbang na importante upang magtagal ang kanyang buhay.

Marahil kung isang ekspertong cardio-logist ang magwa-warning sa kanya ay matatakot siya at obligadong susunod sa payo.

Dr. Love

OVERWEIGHT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with