^

Dr. Love

Sosyalera

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta kayo Dr. Love? Sana ay maging masagana at masaya ang papasok ng 2023 sa inyo. Ako po si Ida, 31anyos.  Palibhasa ay isinilang ako sa pamilya ng may kaya at mahilig sa social life, nakalakhan ko na ang pagkahilig sa mga party gaya ng aking mga parents.

Nagdalaga ako at nakapag-asawa na taglay ang ganoong ugali. Dalawang beses isang linggo ay lagi akong nasa gimikan, bagay na pinag-aawayan namin parati ng mister ko. Ibig kong baguhin ang sarili ko para sa kanya at sa mga anak namin pero ‘di ko magawa. Nasa dugo ko na yata ito na tulad ng bisyo.

Dahil sa tigas ng ulo ko, hiniwalayan ako ng mister ko after five years ng aming pagsasama. Nagsisisi ako ngayon at upang pawiin ang aking lungkot, lalo naman akong naging sugapa sa gimmick.

Hindi ko naman masisi ang asawa ko nang hiwalayan ako. Kasi, minsan ay madaling araw na akong umuwi ako. Inihatid ako ng isang kaibigang lalaki sa kanyang kotse. Pagbaba ko sa harap ng bahay, bumama rin siya sa sasakyan at binigyan ako ng friendly kiss sa pisngi.

Nakita pala ng mister ko ‘yun kaya pagpasok ko ng bahay ay sinampal niya ako. Nilayasan ako at ‘di na binalikan. Akala niya ay nagtataksil ako sa kanya.

Ano ang gagawin ko?

Ida

Dear Ida,

Hindi mo nabanggit kung legally annulled ang kasal ninyo ng iyong asawa. Kung hindi, physical separation lang ang nangyari at legal pa rin kayong kasal

Subukan mong humingi ng tawad sa kanya kung may komunikasyon pa rin kayo. Pero bago iyan, dapat may determinasyon ka ng iwaksi ang iyong  pagiging sosyalera.

Nawa ay maging aral ito sa ibang kababaihang may katulad mong attitude.

Dr. Love

IDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with